Alessia Russo Nagsagawa ng Torneo para Hikayatin ang mga Batang Babae sa Football
Tinawag itong “Alessia Cup.”
Arsenal at ang England star na si Alessia Russo ang nag-host ng isang youth tournament para sa mga batang babae sa North London, pinagsama-sama ang 180 batang babae mula sa iba’t ibang bahagi ng lungsod para sa isang araw ng small-sided na football, healthy competition at pagpapalakas sa kababaihan. Ang “Alessia Cup” ay isang muling pagbuo ng taunang Goals 4 Girls tournament, kung saan ang charity ay nakipagtulungan sa Arsenal at sa pundasyon ni Russo para maghatid ng isang espesyal na event.
Ang tournament ay isinilang mula sa isang bagong research na nagsasabing ang mga batang babae sa U.K., ay nababawasan ng 280 milyong oras ng sports bawat taon, at marami pa ring balakid ang humahadlang sa kanila na makilahok sa iba’t ibang sporting activities sa kabila ng progreso sa mga nakaraang taon. Kabilang si Russo sa makasaysayang 2022 Lionesses squad na nagwagi sa Euros at nagpasiklab ng isang kilusan para bigyan ang mga batang babae ng mas malawak na access at oportunidad sa lahat ng sports, hindi lang sa football.
Kasunod ng dalawang European trophies para sa club at bansa, si Russo ay isa sa pinakamalalaking mukha ng women’s football sa kontinente. Sino pa ba ang mas bagay manguna sa tournament na ito kundi siya? Bukod sa tournament, nagsagawa rin si Russo ng Q&A, nagbigay ng autograph at personal na nakipagkita sa mga kalahok, na nagbigay sa mga batang babae ng bihirang pagkakataon na makausap nang harapan ang isa sa kanilang mga idolo.
Sa pamamagitan ng Alessia Cup at ng kanyang pundasyon, binubuo niya ang isang pathway para sa lahat ng mahuhusay na batang babae na susunod sa kanyang mga yapak. Maliit na tournament man ito, malaki ang potensyal ng epekto ng mga aksyong ito na baguhin ang sporting landscape sa U.K.
Sa ibang balita, ang Cherry Beagles at ang 400 Club ay binabago ang sports industry para sa kababaihan.













