Kung Mahilig Ka sa Fashion at TV, Para sa’yo ang Librong ’To
Kaka-release lang ng Assouline ng “Emily in Paris: The Fashion Guide” para makuha mo ang buong detalye sa lahat ng nakakabonggang looks na ’yon.
Iilan lang talaga ang mgaTV series na nag-iwan ng marka hindi dahil sa pag-arte o takbo ng kuwento, kundi dahil safashion. Hindi naman ibig sabihin na sablay ang mga ‘yon, pero tila natabunan lang ng magagarbo at super-stylish na mga outfit. Ang unang pumapasok sa isip ay angSex and the City, na hindi lang nanggulat sa mga manonood sa pamamagitan ng matatapang nitong female characters, kundi kilala na rin ngayon para sa napakaraming runway looks at banggit ng iba’t ibang designer sa buong serye. Isipin na lang angDior niJohn Galliano na newspaper dress na sinuot ng bidang si Carrie Bradshaw (Sarah Jessica Parker), o ang ngayo’y kilala niyang obsession sa mga sapatos naManolo Blahnik heels.
Ngayon, ang Netflix na Emily in Paris ay gumawa rin ng malaking marka pagdating sa mga outfit. Ang mapanglaro, makukulay at madalas tongue-in-cheek na styling ngAmerican na pangunahing karakter na si Emily Cooper (Lily Collins), habang ini-explore niya ang mundo ng mgaFrench subtleties sa fashion capital, ay talagang walang kapantay sa kabonggahan. At, hindi na rin nakakagulat, ang serye ay nilikha ni Darren Star, na nagrebolusyon sa papel ng fashion sa telebisyon sa iba pa niyang mga proyekto, kabilang angSex and the City.
Assouline ay inihahandog ngayon ang ultimate fashion chronicle sa pinakabago nitong libro, Emily in Paris: The Fashion Guide. Ang kauna-unahang opisyal na libro tungkol sa serye, ito ay kinurasyon at isinulat niMarylin Fitoussi, ang award-winning costume designer sa likod ng palabas, na isinasalaysay ang kanyang proseso at inspirasyon sa isang tunay na behind-the-scenes na pagtanaw. Ang halo ni Emily Cooper ng vintage couture, nagbabanggaang kulay at layered na prints ay imposibleng hindi mapansin at karapat-dapat sa sarili nitong breakdown.
Pagbabahagi ni Collins, “Ang librong ito ay isang love letter sa matapang at makukulay na imahinasyon ni Marylin, at sa kalayaang ibinibigay niya sa ating lahat na maglaro sa estilo at gawing atin ito. Ang napakaganda naming pagkakaibigan at creative partnership ay tuluyang nagbago sa buhay ko. Isa siyang magician, icon at visionary na ikinararangal kong ipagdiwang.”
Available na ang libro sa Assouline website. Puntahan na ito para sa perpektong regalo para sa isang fashion lover, o i-cop mo na rin para sa sarili mo.
Sa ibang balita, silipin ang bagong exhibition na pinagtatambal sina Vivienne Westwood at Rei Kawakubo.

















