Paano Nag-transform si Karol G bilang Rapunzel para sa Kanyang “Única” Music Video
Tampok ang 30-foot na wig na ginawa ni Cesar Ramirez.
Sa loob ng wala pang 24 oras, si hairstylist naCesar Ramirezay nakaisip ng isang custom na, 30-footwigpara kayKarol G sa music video niyang “Única”.— ginawang isang modern-day Rapunzel ang Colombian superstar. Para sa look na ito, pinaghalo ni Ramirez at ng kanyang team ang kanilang editorial beauty influences at teknikal na husay para buhayin ang bisyon, na may ilang oras lang na natira bago ang shoot.
Kahit sanay na ang hairstylist sa iba’t ibang proyekto, mula sa Tim Burton-esque looks para sapress tour ni Jenna Ortega ng Wednesday hanggang sa Hollywood waves sa araw ng kasal ni Demi Lovato, sinasabi ni Ramirez na ang hair look sa “Única” ni Karol Gay kakaiba sa lahat ng nagawa niya noon. “Maaaring isa ito sa pinaka-ambisyosong beauty creation ng buong karera ko,” kuwento niya sa Hypebae.
Para ma-engineer ang custom wig, kinailangan ni Ramirez ang suporta ng tatlong assistant at 18 oras ng walang-humpay na trabaho. Ginawa nilang base ng Rapunzel look ang dalawang 42-inch wigs. Gamit ang L’Oréal Professionnel Majirel Color para makuha ang signature blonde ni Karol G at angKérastase Gloss Absolu Anti-Frizz Glaze Milk at Gloss Drops para sa ultimate shine, ang final na resulta ay 30-feet ng buhok—na tinawag ng hairstylist na “Rapunzel-like glamour, isang tunay na pagsubok ng artistry, innovation at creative fearlessness.”
Habang nandito ka na rin, silipin mo ang aming ultimate guide sa pagbibigay ng pabango ngayong holiday season.
















