Seryoso si Onitsuka Tiger sa Holiday Glitter Game Nito
Girly glam na may cool-girl vibe—suotin mo na ’tong kicks.
Panahon na naman ng lahat ng kumikislap at kumikinang, at dahil saOnitsuka Tiger, puwede mo nang i-channel ang iyong glam sa pamamagitan ng komportableng sneakers sa halip na mga takong na sumasakal sa mga daliri ng paa.
Inilalapit sa atin ng brand ang MEXICO 66 TGRS sa isang bagong colorway na “Pink Cameo/Cotton Candy.” Mapapa-click mo na lang ang mga takong mo nang tatlong beses sa mga kumikislap na Dorothy-inspired na kicks na pinaghalo ang vibe ng streetwear edge at girly charm. Ang silhouette nito ay effortless na pinagdurugtong ang porma ng pumps at ng signature nitong sneakers. Hango sa MEXICO 66, ibinibigay nito ang sophistication ng isang ballet pump habang super lambot at komportable sa paa.
Kasama ang kicks na ito sa “The Holiday Glitter Pack,” isang special collection na binubuo ng apat na signature Onitsuka Tiger styles (MEXICO 66, MEXICO 66 TGRS, at DELECITY). Dinadala ng mga style na ito ang holiday sparkle sa iyong araw-araw na wardrobe sa pamamagitan ng glittery at metallic na finishes. Paikutin ang mga ulo at magdala ng kislap sa malamig na buwan gamit ang mga show-stopping na sneakers na ito.
Mabibili na ang mga sapatos sa Onitsuka Tiger website.
Para sa iba pang bagong footwear drops, i-check out ang mga lipstick-stained kicks mula sa Nike at Vaquera.

















