Muling Nagbabalik ang SKIMS x The North Face para sa Round 2
Bagong silhouettes, fresh na colorways, at isang kidswear collection na pang-debut.
Tulad ng nakasanayan, punô na naman ng ganap ang kapaskuhan para sa SKIMS, na kamakailan lang naglunsad ng ikalawang koleksiyon nito kasama ang Nike, pati na rin ang taunang holiday shop nito. Ngayon, oras na naman para sa brand na muling makipag-team up sa The North Face, para ilunsad ang ikalawang collaboration ng dalawa. Tampok ang mga bagong silhouette, colorway at accessory, ang drop ngayong season ang nagsisilbing debut ng bago nitong kidswear offering.
Lumalayo na mula sa mga nude at neutral na naging pirma ng unang drop, ang ikalawang koleksiyon naman ay nakatutok sa mas malamig na tones, sa mga kulay na “Bone,” “Gunmetal” at “Onyx.” Patuloy nitong pinagdurugtong ang performance fabrics at precision engineering sa signature na disenyo ng SKIMS, kaya nag-aalok ang bagong release ng outerwear, contouring base layer at mga hiwa-hiwalay na piraso.
“Sobrang thrilled akong ianunsyo ang ikalawang The North Face x SKIMS collaboration,” sabi ni Kim Kardashian sa isang press release. “Sa bagong koleksiyong ito, gusto naming patuloy na itulak ang mga hangganan kung ano ang puwedeng maging itsura at pakiramdam ng winterwear. Bawat detalye, mula sa mga tela hanggang sa mga silhouette, ay idinisenyo para pagsamahin ang functionality at ang sleek, modern aesthetic na naglalarawan sa SKIMS. Malaking bahagi ng buhay ko ang pamilya, kaya lalo akong na-e-excite na ipakilala ang kidswear ngayong season at patuloy na palawakin ang mga iniaalok namin para sa lahat,” dagdag pa niya.
Ipinagdiriwang ang release sa pamamagitan ng isang bagong campaign na kinunan sa mga dalisdis ng kabundukan ng Chile, sa lente nina Laura Obermeyer at Jackie Nickerson.
Silipin ang bagong drop sa itaas at dumiretso sa website ng SKIMS at mga tindahan, pati na rin sa website ng The North Face at mga tindahan sa Disyembre 9 para makabili.
Sa iba pang balita, kakalunsad lang ni Marine Serre ng sobrang cute na holiday campaign.

















