Timothée Chalamet, nagpasalamat kay Kylie Jenner sa Critics Choice acceptance speech niya
Sinamantala niya ang sandali para sabihing “I love you” sa kaniyang girlfriend.
Opisyal nang puspusan ang 2026 awards season. Kagabi, sinimulan natin ang taon sa pamamagitan ng Critics Choice Awards na punô ng seryosong, de-kalibreng kompetisyon. Kabilang sa may pinakamaraming nominasyon ang pelikula ni Paul Thomas Anderson na One Battle After Another, ang kay Ryan Coogler na Sinners, ang kay Guillermo del Toro na Frankenstein, ang kay Josh Safdie na Marty Supreme at ang kay Joachim Triem na Sentimental Value. Kung hindi mo pa sila napapanood lahat sa sinehan, taos-puso naming nirerekomendang humabol ka na.
Para naman sa acting categories, Leonardo DiCaprio, Emma Stone, Jacob Elordi, Paul Mescal, Ariana Grande at Elle Fanning ang nakakuha ng mga pinakinaabangang puwesto sa kani-kanilang kategorya, pero ang tunay na nag-uwi ng tropeo ay sina Timothée Chalamet at Jessie Buckley, na nanalo bilang Best Actor at Best Actress para sa kanilang mga papel sa Marty Supreme at Hamnet.
Matagal nang hayagang ibinabahagi ni Chalamet ang goal niyang maging “isa sa mga dakila,” gaya ng sinabi niya sa isang naunang acceptance speech, at ngayong gabi, pinatunayan niyang tuluy-tuloy na siya sa landas na iyon. Marty Supreme ay sumusunod sa kuwento ni Marty Mauser, isang ubod-ambisyosong karakter na tuloy-tuloy sa hustle at raket—mula sa tagong ping pong games hanggang sa international stardom—na pinapaandar ng iisa at malinaw na layunin: maging pinakamahusay na table tennis player sa mundo. Sa direksiyon ni Josh Safdie, sumabak ang pelikula sa isang matinding marketing blitz bago ipalabas, at sa ngayon, mukhang sulit at nagbubunga ang lahat.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Umakyat si Chalamet sa entablado sa Los Angeles para personal na tanggapin ang parangal, at sinamantala ang sandaling iyon para pasalamatan ang ilang mahahalagang tao sa buhay niya. Una niyang kinilala ang mga kapwa nominado, kabilang si Michael B. Jordan, bago pinasalamatan ang direktor at inaming, “Mas kinakabahan ako kaysa inakala ko.” Dagdag pa niya, “Gumawa ka ng kuwento tungkol sa isang imperpektong lalaki na may pangarap na kay dali nating ma-relate, at hindi mo pinangaralan ang audience tungkol sa kung ano ang tama o mali,” sabi ng aktor kay Safdie. “Sa tingin ko, mga ganitong kuwento ang dapat nating ikinukuwento. Thank you for this dream.”
Kapansin-pansin, tinapos ni Chalamet ang talumpati niya sa pasasalamat para sa longtime girlfriend niyang si Kylie Jenner, na bihira niyang banggitin sa publiko. “Thank you to my partner of three years,” ani Chalamet. “Salamat sa pundasyon natin. Mahal kita. Hindi ko magagawa ito kung wala ka. Salamat mula sa kaibuturan ng puso ko.” Pagkatapos, nag-cut ang camera kay Jenner habang binibigkas niya pabalik, “I love you.”
Sa iba pang balita, tinanggal ni ADOR si Danielle mula sa NewJeans bago pa man umabot sa demanda.



















