Gusto Kong Amoy Xtra Milk ng DedCool ang Buong Buhay Ko
Para kang walang suot na pabango, pero sobrang bango mo pa rin.
Bilang isang masugid nakolektor ng pabango, dumating sa punto na sobrang hirap para sa akin na pumili mula sa lahat ng paborito kongmga pabangoat magdesisyon kung alin ang magiging tunay na signature scent ko. Sa halip, paikot-ikot lang ako sa iba’t ibang uri ng pabango. Sa gitna ng lahat ng ‘yon, pakiramdam ko may puwang pa rin sa koleksiyon ko. Sa dami ng complex na pabango na na-explore ko, feeling ko wala pa rin akong scent na talagang bumabandera — ‘yung sapat na versatile para sa araw-araw pero sapat din kaakit-akit para makakuha ng papuri mula sa mga estranghero. Lahat ‘yon nagbago nang nakuha ko angDedCoolna kult-favorite na pabango nilang “Xtra Milk.”
Kahit hindi ako agad na-hook sa musky notes ng “Xtra Milk” noong binasa ko lang ang description, nahumaling ako sa unang singhot pa lang. Iba ito sa ilang scents sa koleksiyon ko na nakaasa sa sobrang tamis, parang dessert na accords — ang “Xtra Milk” ay banayad pero imposibleng ma-miss. Matapos ang maikling encounter sa isang travel-sized na bote, kumbinsido akong nahanap ko na sa wakas ang signature scent ko. Simula noon, halos lahat ng produktong may “Xtra Milk” scent ay naipon ko — sa pag-asang mabababad ang buong buhay ko sa halimuyak na ito.
Ano ang Dapat Mong Malaman Tungkol sa “Xtra Milk” ng DedCool
Pinakamainam para sa: Amoy-balat na mas pinaganda at pino ang dating
Presyo: $90 USD sa website ng brand
Rating: 10/10
Bakit Sikat na Sikat Ito?
Kahit kung pakikinggan mo ang pangalan ay iba ang iisipin mo, ang “Xtra Milk” ay hindi naman talaga isangcreamy o gatasang pabango. Sa halip, inilarawan ito ng brand bilang “a universal musk, amplified.” Katulad ng ibangskin-first scents, ang banayad nitong mga nota ay perfect ang blend sa natural na amoy ng balat mo. Binubuo lang ito ng amber, bergamot at white musk, kaya nakilala ang “Xtra Milk” bilang pabango na malinis, cozy, at may banayad na init na hindi kailanman nakakasawa o nakaka-overwhelm.
Paano Gamitin
Bagama’t puwedeng isuot ang “Xtra Milk” nang mag-isa bilang pang-araw-araw na pabango, napansin kong hindi sapat ang klasikong amoy nito para mapunan ang cravings ko. Sa kabutihang-palad, ang DedCool ay may napakaraming “Xtra Milk” na produkto na puwedeng i-layer para maximum ang overall slay. Inirerekomenda pa nga ng brand na ihalo ang skin scent na ito sa iba pa nitong pabango, kahit personally gusto ko ang pagiging unique nito mag-isa. May room at linen spray para i-freshen up ang iyong space, detergent para ma-perfume ang mga damit mo, lotion atbody washpara balutin ka sa amoy, at maging incense para sa susunod mong meditation sesh.
Sa sarili kong routine, nagsisimula ako sa paglinis gamit ang “Xtra Milk” body wash sa shower, tapos mini-moisturize ko ang buongkatawangamit ang lotion. Sa huli, bago harapin ang araw, ini-spritz ko ang pabango bilang finishing touch. Napatunayan kong pinaiigting ng kombinasyong ito ang amoy at pinapatagal ito buong araw.
Isang Tapat na Review
Gaano ko man ka-enjoy ang powdery floral notes at mga pabangong parang decadent dessert, unang hinatak ako ng “Xtra Milk” dahil sa pagiging subtle nito. Dahil minsan, ang matitindi at sobrang komplikadong pabango ay nagdudulot sa akin ng sakit ng ulo at hindi praktikal isuot sa araw-araw, naging literal na breath of fresh air ang “Xtra Milk.” Kahit sabihin pa ng ilan na halos hindi ma-detect ang pabango, ‘yon mismo ang pinaka-na-appreciate ko rito. Habang ang ibang scents ay humihingi ng atensyon at halos sakupin ang buong presensya mo, ang “Xtra Milk” ay parang feeling ng bagong ligo — at kaya nitong paamuyin sa lahat na para bang ikaw aynatural namabango.
Higit pa roon, ang kakayahan ng DedCool na bumuo ng buong uniberso mula lang sa isang scent ang isa pang dahilan kung bakit hindi ako maka-get over sa “Xtra Milk.” Ang malawak na lineup nila ng mga produktong may halimuyak na ito ang literal na nag-fuel sa obsession ko. Gets ng DedCool ang konsepto ng isang holy grail, kaya ibinibigay nila ang scent na kilala at mahal mo na sa napakaraming iba’t ibang format. Para sa akin, naging no-brainer ang pagpapalit ng dati kong room spray at body wash. Ang naisip ko: kung mahal na mahal ko na ang “Xtra Milk,” bakit hindi ko pa susubukan lahat ng iba’t ibang bersyon nito?
Ang Huling Hatol
Kung nalulunod ka na sa mga pabangong sobrang tapang at para bang binabaha ka na sa isang spritz pa lang, puwedeng maging bagong paborito mo ang “Xtra Milk.” Bukod sa pagiging sobrang wearable na skin musk, hindi ka nito kailanman ma-o-overstimulate — sa halip, babalutin ka nito sa isang amoy na sobrang warm at pamilyar, hanggang sa halos makalimutan mong may pabango ka nga. Para sa akin, kapag ubos na ang fragrance inspo ko, ang “Xtra Milk” ang eksaktong kailangan ko para muli akong maging komportable at confident sa sarili kong balat. At ito lang ang pabangong nasuot ko na puwedeng ipagkamaling natural kong amoy.
Habang nandito ka na, basahin mo rin ang tungkol sacollab ng First Aid Beauty at Team USA.















