Kendall Jenner, bagong global fragrance ambassador ng Emporio Armani
Ang model ang bagong mukha ng kampanyang “Power of You.”
Kendall Jenner kaka-anunsyo lang bilang globalfragrance ambassador ng Emporio Armani. Bilang pagdiriwang ng bago niyang papel, bida ang modelo sa pinakabagong kampanya ng brand, na nagse-celebrate sa paglabas ng “Power of You”na perfume. Inilarawan ng Emporio Armani bilang “bold, addictive at free-spirited,” ang “Power of You” ay isang fresh na interpretasyon ng classic na gourmand scent profile.
“Walang pagdadalawang-isip sa pagsali sa pamilya ng Emporio Armani. Palagi kong nagugustuhan kung paano ka nila ine-empower na maging ikaw lang mismo. Ang ‘Power of You’ scent ay lahat-lahat na — magnetic, rich, at talagang sensual ang dating,” sabi ni Jenner sa isang press release. Binigyang-diin ng brand ang naging impluwensiya ng modelo sa fashion world, at sinabing ang partnership na ito ang bunga ng pinagsasaluhang pananaw nila sa modern femininity.
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Nilikhâ nina perfumer Nisrine Grillié at Nadège Le Garlantezec, sinasabing magkasabay na binabalanse ng “Power of You” ang tamis at sensuality. Infused ito with notes ng maracuja-passion fruit accord, frangipani accord, Madagascar vanilla absolute, benzoin resinoid at cistus absolute, para likhain ang tinatawag ng brand na “isang deep, addictive base na may tumatagal na warmth.”
Nakatakdang ilabas ang “Power of You” sa January 28 at mabibili ito sa website ng brand.
Habang nandito ka na, basahin mo rin ang tungkol sa campaign ni Gabby Thomas kasama ang CoverGirl.



















