Bagong Collaboration ng FARM Rio at WHITESPACE, Dala ang Init ng Brazil sa Niyebeng Kabundukan
Parang nagtagpo ang Copacabana Beach at Rocky Mountains sa snow.
FARM Rio at WHITESPACE ay nagsanib-puwersa para sa kanilang unang collaboration, nagdadala ng bahid ng Rio de Janeiro sa Aspen sa pamamagitan ng isang matapang at makulay na snow collection. Kilala ang Brazilian brand sa makukulay na print at Copacabana energy sa bawat disenyo, habang ang WHITESPACE naman ay isa sa mga nangungunang pangalan pagdating sa snow at ski gear. Ngayon, pinagsasama ng tila magkaibang mundong duo na ito ang dalawang aesthetic para sa isang espesyal na capsule, eksakto sa pagbubukas ng ski season. Magkabaligtad nga pero swak ang do sa isa’t isa.
Ang koleksiyong ito ay seamless na pinagsasama ang makulay at feminine na estilo ng FARM Rio at ang technical expertise ng WHITESPACE, na nagbubunga ng isang kakaiba at nakakapreskong take sa karaniwang monochromatic na look ng snow gear. Mga palm tree, tropical bird at electrifying na kulay ang nakalapat sa cropped puffers, snow pants, at maging sa isang special-edition na FARM Rio x WHITESPACE snowboard. May kaparehong print ang goggles, kumpleto sa dual-branded na logo sa strap na swak sa helmet.
Ang kabundukan ang naging pinakamalaking inspiration ng fashion ngayong winter, dahil halos bawat luxury brand ay naglabas ng sariling ski collection bago pa sumapit ang peak snow season. Alam na alam ng FARM Rio ang assignment ngayong taon, at itong bersiyon nila ng slope-ready attire ang eksaktong hinihingi ng industriya: masaya, tropikal at punô ng personalidad.
Ang FARM Rio x WHITESPACE collaboration ay mabibili simula unang bahagi ng Disyembre sa parehong FARM Rio at online store ng WHITESPACE online stores.
Sa iba pang balita, nag-team up ang Moon Boot at Guest in Residence para sa isang bagong koleksiyon.



















