Issey Miyake at Apple Lumikha ng Bagong Paraan para Bitbitin ang Phone mo
Walang bulsa? Walang problema.
Isang dagdag na bulsa—pero gawin itong high-fashion. Ang collab na hindi natin alam na kailangan pala natin ay kaka-launch lang kasama ang Issey Miyake at Apple, pinagtagpo ang inobasyong teknolohikal at luxury design para ibigay sa atin ang pinaka-chic na paraan ng pagdadala ng ating phone—o kahit ano pang kasya sa sleek na munting pouch na ito: lipstick, phone, keys?
iPhone Pocket ay hango sa konsepto ng “isang piraso ng tela,” na may iisang pirasong 3D-knitted na pagkakayari na inspiradong signature pleats ni Issey Miyake, at dinisenyo para magkasya sa anumang phone (walang dapat ipag-alala sa compatibility dito) o iba pang kasya-sa-bulsang gamit. Ang ribbed na istruktura ay nagmula sa ideya ng paglikha ng dagdag na bulsa, kaya, girls—wala nang stress kapag walang bulsa ang outfit ninyo. Maaaring i-style ang accessory sa iba’t ibang paraan: hawak sa kamay, itali sa iyong handbag, o isuot sa katawan na parang sarili nitong mini bag.
Matingkad at playful ang color palette: may walong kulay ang short strap at tatlo naman ang long strap. Tampok ang fluorescent yellow at orange, kasabay ng matitingkad na pink, purple at blue, at may black para sa mga minimalist. “Ang pagiging simple ng disenyo nito ay sumasalamin sa isinasabuhay namin sa Issey Miyake — ang ideya ng pag-iiwan ng mga bagay na hindi lubusang tinutukoy upang magbigay-daan sa mga posibilidad at personal na interpretasyon,” pagbabahagi ni Yoshiyuki Miyamae, isa sa mga design director ng Miyake Design Studio. Dagdag ni Molly Anderson, bise presidente ng Apple sa Industrial Design, “Magkapareho ang lapit sa disenyo ng Apple at Issey Miyake—ipinagdiriwang ang husay sa pagkakagawa, ang pagiging simple, at ang ligaya. Ang matalinong dagdag na bulsang ito ang kumakatawan sa mga ideyang iyon at natural na kaakibat ng aming mga produkto.”
Magiging available ang iPhone Pocket simula Nobyembre 14 sa pamamagitan ng Apple website at sa piling mga tindahan.
Sa ibang balita, silipin ang bagong librong nagbibigay ng walang kapantay na access sa mga arkibo ni Jean Paul Gaultier.
















