Mainit na Mainit na Winter Boots: Jacquemus x Moon Boot Comeback
Kompleto sa felt, faux fur at sobra-sobrang signature na saya.
May snow man o wala, kailangan mo ang mgabota na ito.Jacquemus at Moon Boot ay muling nagsasanib-puwersa sa ikalawang pagkakataon para ihatid ang tatlong eksklusibong pares ng Aprés-Ski Boots na magpapanatili sa’yo na mainit, tuyo, at effortlessly stylish.
Ang Moon Boot ay na-inspire ng 1969 moon landing at mula noon ay gumagawa na ng kanilang signature na cozy na mga footwear na may exaggerated na mga silweta, na kinahuhumalingan ng iba’t ibang henerasyon. Kapag pinagsama sa design language ng Jacquemus na kilala sa malilinis na silweta na hango sa iskultura at decorative arts, ang partnership na ito ay isang totoong winter dream.
Tampok sa koleksiyon ang muling paglabas ng 1975 Faux Fur Tall Boot, kasama ang isang bagong mid version na ni-rework gamit ang felt para bumagay sa winter collection ng Jacquemus. Hahanapin at makikita mo rito ang light browns at blacks na sinasabayan ng wintery furry whites na madaling ipares sa kahit ano sa wardrobe mo. Ang mga playful na Yeti-esque boots na ito ay siguradong mag-aangat ng kahit anong cold-weather look at puwedeng isuot mula bundok hanggang city streets. I-style ang mga ito kasama ng mini skirt at puffy bomber para sa full-on snow princess look.
Silipin ang quintessentially Jacquemus na campaign sa itaas, kinunan ni Tom Kneller, at dumiretso sa website ng brand para mamili ng bagong koleksiyon.
Para sa iba pang snow-inspired na mga koleksiyon, silipin ang bagong collaboration ng Champion at Percival.

















