Pinangungunahan ni Kylie Jenner ang party season suot ang pinakabagong koleksyon ng KHY na “After Dark.” Binibigyang-diin ng brand ang alindog ng Los Angeles sa pagsapit ng gabi, kung saan ang mga mararangyang outerwear, statement knits, at party-ready na mga silweta ay dinisenyo para sa babaeng itinuturing na isang malaking event ang bawat lakad. Higit pa ito sa simpleng maong at cute na pang-itaas.
Kuha ni Quentin de Briey, sinusundan ng campaign si Jenner sa mga pamilyar na tanawin ng lungsod, mula sa isang makasaysayang tirahan sa Hollywood Hills sa may Mulholland Drive hanggang sa isang vintage car at ang punong-puno ng neon na Sunset Strip. Bilang mukha at malikhaing puwersa sa likod ng KHY, binibigyang-buhay ni Jenner ang buong glam ng koleksyon.
Bilang unang winter holiday release ng label, ang 16-piece lineup ay naglalaro sa pagitan ng mga pangaraw-araw na piraso at bonggang panggabing kasuotan. Nangunguna rito ang Hollywood Coat, isang plush faux-fur na shawl-collar style na hango sa momager na si Kris Jenner, kasabay ng mga leopard-print na piraso at oversized puffers. Nabigyan din ng dramatikong upgrade ang knitwear, na may fringed baby alpaca-merino cardigans at isang wool-cashmere set na kumpleto sa terno nitong balaclava. Para naman sa Y2K-inspired na detalye, isang faux-fur zip-up hoodie ang handog nila sa kulay baby pink at itim.
Silipin ang ilan sa mga look sa itaas at magtungo sa website ng brand upang i-shop ang koleksyon.