Kilalanin ang Artist na Ginagawang Purong Sine ang ‘The Sims’

Anastasia Kokoshka, kokoshkapino, The Sims, Sims 2, Sims 3, Gaming, Film, Instagram, Content Creators, Simmers, Sims Custom Content, Simstagram
Anastasia Kokoshka

Kung hilig mo ang The Sims, malamang napadpad ka na sa isa sa mga video ni Anastasia Kokoshka noon. Sa paglikha ng mga kuwentong nakakatunaw ng puso, punô ng nostalgia, at mga thriller na nakakakaba hanggang sa gilid ng phone screen mo, ginawa na ng multidisciplinary artist na ito ang laro bilang kaniyang sariling canvas.

Ang kaniyang sining ay umaabot at umaapaw sa loob ng The Sims universe, hinahamon ang mga limitasyon ng kung ano ang kayang gawin ng laro. Mula sa classic na townie cosplay hanggang polymer clay recreations at life-sized na eskultura ng iconic na cow plant, maaga pa lang ay nahanap na ni Kokoshka ang kaniyang niche—at palagi niyang naiiwan ang audience na bitin at sabik pa.

Ang paggawa ng Academy Award-worthy na cinema gamit ang isang early 2000s video game ay milestone na sa sarili nito, pero sapat nang silipin ang comments sa kahit alin sa mga video niya para maintindihan kung bakit ganado ang mga tao sa kanila. “My favorite show is on” na ang naging default na reaksyon sa mga likha niya, habang pinagdurugtong-dugtong ng iba’t ibang kuwento ang isa’t isa at binubuo ang walang katapusang “kokoshkapino” universe.

Nakipagkuwentuhan kami kay Kokoshka tungkol sa relasyon niya sa The Sims, ang proseso sa likod ng kaniyang mga viral na video, at ang potensiyal ng isang career sa mundo ng film balang araw. Ituloy lang ang pag-scroll para mabasa ang buong usapan.

Anastasia Kokoshka, kokoshkapino, The Sims, Sims 2, Sims 3, Gaming, Film, Instagram, Content Creators, Simmers, Sims Custom Content, Simstagram
Kailan ka nagsimulang maglaro ng The Sims?
Nagsimula akong maglaro ng The Sims noong bata pa ako, noong kakalabas pa lang ng pinakaunang game. Mga pito o walong taong gulang yata ako noon. Binili ng pinakamatalik kong kaibigan ang game disc, at gumugugol kami ng oras na magkasamang naglalaro. Naalala ko pa rin ‘yung mala-magic na pakiramdam—baliw na baliw ako noon sa Barbie at Tamagotchi, kaya ang The Sims ay parang mga buhay na manika para sa akin.

Iba-iba ang anyo ng sining mo. Paano ka nagsimulang mag-explore ng iba’t ibang medium?
Lumaki ako sa pamilyang punô ng artists, kaya bahagi na ng buhay ko ang pagiging malikhain sa kahit anong anyo. Nagsimula ako sa drawing at design, at kalaunan nadiskubre ko ang sculpture. Mahilig talaga akong sumubok ng bago at tuklasin ang sarili kong kakayahan sa iba’t ibang creative outlet—pananahi, pagniniting, pag-customize ng mga manika. Kapag may nakikita akong magandang bagay online, nai-inspire akong subukan ko rin mismo. Tunay kong nae-enjoy ang proseso ng paghasa sa skills ko at ‘yung makita kung paano umuunlad ang craftsmanship ko.

 

Tingnan ang post na ito sa Instagram

 

Isang post mula kay Pino (@kokoshkapino)

Bakit mo piniling gawing sentro ang The Sims bilang pokus ng mga likhang-sining mo?
The Sims ang pangunahing source ko ng inspirasyon. Pakiramdam ko, dito nahubog ang pagmamahal ko sa design at aesthetics. Halo ng realidad at ng larong ito ang buhay ko. Kapag may nakikita akong magandang bahay o kalsada sa labas, automatic na iniisip ko kung paano ko iyon itatayo sa The Sims at sino ang puwedeng tumira roon. Kahit ano pa ang gawin ko, The Sims ay nananatiling mahalagang bahagi ng mundo ko. Isa itong sariling universe para sa akin.

Ano ang proseso mo sa pagbuo ng isang bagong video?
Basta namumuhay lang ako at pinagmamasdan ang maliliit na sandali sa paligid ko. May mga ideya na galing sa araw-araw o sa personal na karanasan, may iba namang mula sa mga pelikula o kahit sa mga random na larawan. Minsan, bigla na lang lumilitaw ang isang storyline habang nakikinig ako ng musika. Pagkatapos, binubuksan ko ang laro, binubuo ko ang mga location, at hinahayaan ko lang umagos nang malaya ang imahinasyon ko—walang mahigpit na rules o script.

Anastasia Kokoshka, kokoshkapino, The Sims, Sims 2, Sims 3, Gaming, Film, Instagram, Content Creators, Simmers, Sims Custom Content, Simstagram

Minsan, kusa na lang kumikilos ang mga Sim, at isinasama ko ang mga sandaling iyon sa final edit kapag tama ang pakiramdam. Sa ibang pagkakataon, inuulit-ulit ko naman ang parehong aksyon para lang makuha ang perpektong shot. Hindi ko kailanman alam nang buo kung ano ang magiging kalabasan ng video—unti-unti lang lumalantad ang kuwento habang ginagawa ko ito. Halimbawa, mapapansin ko ang isang hagdan at maiisip ko, “Ang cool sigurong kuhanan ang isang teenage Sim na palihim lumalabas sa gabi.” Tapos bigla na lang itong nagiging kuwento tungkol sa isang barkada ng mga kabataan na tumatambay sa isang abandoned na pool, kahit na para sa mag-asawang senior ko orihinal na ginawa ‘yung bahay at ibang-iba ang ideya ko noong una.

Sobrang cinematic ng mga video mo. Ano ang sikreto sa isang “kokoshkapino” na video?
Sa tingin ko, nanggagaling ito sa paraan ng pagtingin ko sa mga video ko—hindi lang bilang bagay na ipapakita, kundi bilang karanasang mararamdaman. Mahalaga sa akin na maiparating ang mood, kung ito man ay nakakailang o punô ng nostalgia. Binibigyan ko ng todo-pansin ang maliliit na detalye, at kapag pinagsama-sama, doon nabubuo ‘yung cinematic na pakiramdam.

 

Tingnan ang post na ito sa Instagram

 

Isang post mula kay Pino (@kokoshkapino)

Saan ka kumukuha ng inspirasyon para sa mga bagong storyline?
Buhay ko ang pinakamatinding source ko ng inspirasyon. Ang pagmamahal at suporta sa paligid ko ang nagbibigay sa akin ng lakas at mga ideya para sa mga kuwento ko. Malakas ang hatak sa akin ng mga detalye ng araw-araw—‘yung pinakasimpleng sandali, para sa akin, may bigat at may kakaibang ganda. Hindi ako nauubusan ng gana.

Siguro kaya hanggang ngayon, mahal ko pa rin ang The Sims 2 nang sobra. Hindi ito kailanman naluluma para sa akin. Punô ang game ng maliliit pero nakakaaliw na animation na ang ganda ng pagmuni sa araw-araw na buhay—paghalik sa anak bago matulog, pagyakap habang mahimbing, pagbabasa ng diyaryo sa umaga, paglilinis ng bintana, at pagtalon-talon sa mga bara ng ulan.

Balak mo bang subukan ang screenwriting balang araw?
Gustong-gusto kong subukan ang screenwriting balang araw, o kahit gumawa ng short film. Ang saya sigurong i-explore ang direksyong iyon. Minsan, nagsulat ako ng maikling kuwentong pambata para sa asawa ko at ginawa ko itong isang libro bilang regalo. Baka balang araw, gumawa ako ng ganoong proyekto na maibabahagi ko na sa mas malawak na audience.

 

Tingnan ang post na ito sa Instagram

 

Isang post mula kay Pino (@kokoshkapino)


Ano ang paborito mong video na nagawa mo na sa ngayon?
Ang hirap pumili ng isang paborito lang, dahil ibinubuhos ko ang puso ko sa bawat isa at talagang isinasabuhay ko ang mga kuwentong iyon. Bawat video, repleksiyon ng mood ko, emosyon ko, at state of mind ko. Para itong mga amoy—isang singhot lang, at agad ka nang bumabalik sa isang tiyak na sandali sa buhay mo.

Sa mga bago kong gawa, marahil ituturing kong highlight ang video tungkol sa dalawang vampire lovers na magkasamang gumagalaw sa iba’t ibang era, na sinet sa kantang “It’s No Good” ng Depeche Mode. Sobrang na-enjoy ko ang proseso ng paglikha noon. Mahal ko ang Depeche Mode, at matagal nang dala ng kantang iyon ang kuwentong ito sa isip ko. Ang sarap sa pakiramdam na sa wakas ay naipanganak ko ito sa pamamagitan ng The Sims.

0 Mga Komento
 

May Adblock na Natagpuan

Siningil namin ang mga advertiser sa halip na ang aming mga mambabasa. Suportahan kami sa pamamagitan ng paglalagay sa aming site sa whitelist.

Ilagay Kami sa Whitelist

Paano Kami Ilalagay sa Whitelist

screenshot
  1. I-click ang icon ng AdBlock sa lugar ng extension ng browser sa itaas na kanang sulok.
  2. Sa ilalim ng “I-pause sa site na ito” i-click ang “Lagi”.
  3. I-refresh ang pahina o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.
screenshot
  1. I-click ang icon ng AdBlock Plus sa lugar ng extension ng browser sa itaas na kanang sulok.
  2. Sa “Harangan ang mga ad sa – Website na ito” patayin ang toggle upang maging gray mula sa asul.
  3. I-refresh ang pahina o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.
screenshot
  1. I-click ang icon ng AdBlocker Ultimate sa lugar ng extension ng browser sa itaas na kanang sulok.
  2. Patayin ang toggle upang maging “Naka-disable sa site na ito” mula sa “Naka-enable sa site na ito”.
  3. I-refresh ang pahina o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.
screenshot
  1. I-click ang icon ng Ghostery sa lugar ng extension ng browser sa itaas na kanang sulok.
  2. I-click ang “Ad-Blocking” na button sa ibaba. Ito ay magiging gray at ang teksto sa itaas ay magiging “OFF” mula sa “ON”.
  3. I-refresh ang pahina o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.
screenshot
  1. I-click ang icon ng UBlock Origin sa lugar ng extension ng browser sa itaas na kanang sulok.
  2. I-click ang malaking asul na power icon sa itaas.
  3. Kapag ito ay naging gray, i-click ang refresh icon na lumitaw sa tabi nito o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.
screenshot
  1. I-click ang icon ng ad-blocker extension na naka-install sa iyong browser.Karaniwan mong makikita ang icon na ito sa itaas na kanang sulok ng iyong screen. Maaaring mayroon kang higit sa isang ad-blocker na naka-install.
  2. Sundin ang mga tagubilin para sa pag-disable ng ad blocker sa site na tinitingnan mo.Maaaring kailangan mong pumili ng isang menu option o mag-click ng isang button.
  3. I-refresh ang pahina o i-click ang button sa ibaba upang magpatuloy.

Sinusubukan mo ang bagong beta na website

Ibahagi ang iyong feedback sa amin, makakatulong ito na mapabuti ito para sa iyo.