Binuksan ni Martin Margiela ang Kanyang Personal Archive sa Publiko sa Kauna-unahang Pagkakataon
Binibigyan ang mga tagahanga ng walang kapantay na access sa mga pirasong hindi pa kailanman naipapakita.
Inaanyayahan ang lahat ng fashion collectors, archive enthusiasts at Margiela super-fans, Martin Margielaay nagbibigay sa mga tagahanga ng isang bihirang-bihirang pagkakataong masilip ang kanyang mundo. Sa isang makasaysayang bagong auction na inorganisa ng Maurice Auction sa Paris, katuwang ang Kerry Taylor Auctions, ibinibida ng elusive na designer ang mahigit 200 piraso mula sa kanyang personal archive, saklaw ang mga taon mula 1984 hanggang 2008.
Kasama sa koleksiyon ang mga litrato, guhit at iba’t ibang bagay na sumusubaybay sa malikhaing paglalakbay ng designer, mula sa mga unang gawa niya sa Antwerphanggang sa pag-alis niya sa sarili niyang label. “Matapos ang maraming taon ng paglipat-lipat ng mga archival piece,” pagbabahagi ni Margiela, “naramdaman kong panahon na para pakawalan ang ilang bahagi ng aking fashion memorabilia.”
Ang bentahang ito ay isang tunay na milestone sa fashion history, dahil si Margiela ang kauna-unahang buhay na designer na direktang nakipag-collab sa isang auction house para ialok ang mga piraso mula sa sarili niyang archive. Ayon sa auctioneer na si Salomé Pirson, ibinubunyag ng koleksiyon hindi lang ang trailblazing niyang paglapit sa pananamit, kundi pati ang mas malawak niyang pagninilay tungkol sa pagkatao at paglikha.
Nagdaragdag ng mas personal at emosyonal na dimensyon sa bentahan ang pagsasama ng humigit-kumulang 60 Hermès na piraso mula sa wardrobe ng yumaong ina ni Margiela, si Léa Bouchet. Ibinigay ang mga ito noong panahon niya sa Hermès mula 1997 hanggang 2003, at makikita sa mga damit, bag at accessories ang pambihira niyang craftsmanship at ang lapit ng kanilang samahan.
Karamihan sa mga ito ay hindi pa kailanman naipakita sa publiko, kaya’t ang auction na ito ay isang napakabihirang pagkakataon para maranasan nang personal ang legacy ng isa sa pinaka-maimpluwensiya at misteryosong designer sa fashion.
Bukas ang exhibition mula Hulyo 4 hanggang 8 sa Rue de la Fontaine au Roi sa Paris, at gaganapin ang auction sa Hulyo 9. Tumungo sa Maurice Auction website para magpa-reserve ng slot at alamin pa ang tungkol sa mga koleksiyon.
Sa ibang balita, silipin ang mga bagong Martine Rose Nike Shox colorway.



















