Paano Binabago ng Arsenal Women ang Fan Culture sa WSL
Sa paglulunsad ng isang bagong supporter-led na proyekto, nagiging huwaran ang North London club para sa kultura ng women’s sports sa England.
Kapag tinanong mo ang sinumang nagsimulang sumubaybay sa women’sfootball nitong mga nakaraang taon kung anong club ang sinusuportahan nila, malamang ay isa silangArsenal fan. Pagkatapos manalo ng England saWomen’s European Cup sa unang pagkakataon noong 2022, sumabog ang interes sa women’s football at tuluyang nagbago ang laro. Biglang hindi na sapat ang mga stadium na may 5,000 na kapasidad at kulang na TV coverage para sa Women’s Super League. Biglang lahat ay gustong makakuha ng autograph ninaAlessia Russo at Leah Williamson.
Sinamantala ng bawat club sa England ang pagkakataon, ginamit ang momentum mula sa Euros para palakihin ang kanilang fanbase at siguraduhing hindi sila maiiwan sa eksenang iyon. Higit sa lahat, ang pinaka-nakinabang ay ang Arsenal. AngNorth London club ay nakinabang sa malaking grupo ng mga manlalarong nagkampeon sa Euros, kabilang ang ilan sa pinakamagagaling sa torneo gaya nina Beth Mead at Williamson, bukod pa sa dekada-dekadang tagumpay na nasa likod nila. Pero ang matinding pagdami ng fans ng Arsenal Women matapos ang summer ng ’22 ay bunga ng napakaraming taong paghubog ng sarili nilang kultura ng pagiging inklusibo. Kahit sino puwedeng maging Arsenal fan—Gunner man sila habambuhay na, o kakasimula lang sumubaybay sa club noong nakaraang linggo.
Para ipagdiwang ang mga milestone na ito sa kasaysayan ng club, ang 2025/26 season ay nagsisilbing patunay sa lahat ng pinaghirapan bago pa man ang kick-off. Ang 17,000 season tickets ay napakalaking bilang—isang numerong karamihan sa women’s teams sa England ay mai-imagine lang. Bilang pagmarka sa okasyong ito, inilunsad ng club ang “Block by Block,” ang pinakamalaki nitong supporter-led consultation project.
Simula ang proyektong ito ng bagong kabanata para sa Arsenal Women, kung saan inilalagay sa kamay ng mga fan ang matchday experience. May mga konsultasyon sa fans mula sa bawat block ng Emirates sa buong season para maramdaman ng women’s team na tahanan rin nila ang stadium, tulad ng sa men’s side.
Kasama ang mga artist at creator na tagasuporta ng Arsenal, lumikha ang mga fan ng mga bagong bandila, music sets, isang hand-stitched na tifo at isang mural na inialay sa lifelong fan na si Maria Petri, na pumanaw noong 2022. Sa papel, maaaring hindi ito mukhang malaki, pero ang mga elementong iyon ay bahagi na ng pagkakakilanlan ng Arsenal Women at ng tapat nilang fanbase, at may napakalaking epekto tuwing matchday.
Ani Farah Chowdhury, Chair ng Arsenal Women Supporters’ Club, “Hindi nagsimula sa isang campaign ang kultura ng Arsenal Women. Nagsimula ito sa mga taong tumayo, umawit, nagpinta, nagdisenyo, o simpleng dumalo. Ang ‘Block by Block’ ay tungkol sa pagbabalik sa kanila at sabay-sabay na pagbuo ng susunod na kabanata.”
Para sa karamihan ng clubs, ang paglaro sa main stadium ay minsanang karanasan lang, nangyayari lang nang ilang beses sa isang season. Ang panoorin angManchester United Women na maglaro sa Old Trafford o angLiverpool Women sa Anfield ay kadalasang parang hiwalay na mundo, dahil napapaligiran ang mga manlalaro at fans ng mga bandila at memorabilia na nakalaan para sa men’s team. Wala na ang ganung disconnect pagdating sa Arsenal Women.
Ayon kay Renée Slegers, head coach ng Arsenal Women, “Napakahalaga para sa mga nais naming makamit ang enerhiya, tiwala, at koneksiyong pinagsasaluhan ng aming mga manlalaro at supporters. Ang layo na ng narating natin, pero napakarami pa nating alaala na gusto pang likhain nang magkakasama. Ang Emirates Stadium ang tahanan namin at gusto naming madama ng bawat supporter ang pride at koneksiyon pagdating nila rito.”
Ang “One Club” mentality sa Arsenal ang nagbigay-daan para makausad sila nang mas mabilis kaysa sa mga karibal nila sa buong bansa. Sa pag-iinvest hindi lang pinansyal kundi pati kultural sa women’s team, umangat sila bilang isa sa pinaka-prominenteng women’s sports teams sa mundo. Ibang usapin ang maging relevant, at mas malaking hamon ang manatiling relevant. Diyan talaga kumikintab ang supporter culture na maingat na binuo ng club.
Makikita mo ang passion ng fanbase bawat linggo tuwing matchday, at online mula sa supporters sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang pagbuo ng fanbase na kasing-involved at kasing-active ng sa Arsenal ay hindi madali, pero sa wakas ay nasasalamin na sa ticket sales at sold-out na stadium ang dekada-dekadang trabaho sa likod ng tabing.
Ayon kay Daphne Wilson, isang lifelong Arsenal fan, “Simula pagkabata ko, pinapanood ko na ang women’s team. Ang gaan sa pakiramdam makita kung gaano na sila kalayo ang narating, at gustung-gusto ko na nakakapagdiwang ako sa punung-punong Emirates tuwing weekend. Ito talaga ang pinakamahusay na club sa liga na maging fan ngayon, at kahanga-hanga ang effort na ibinibigay para ma-deliver sa fans ang match experience na gusto nila.”
Pinatunayan ng Arsenal na ang pag-invest sa women’s game ay puro positibo ang balik. Ang “Block by Block” ay simula pa lang para sa patuloy na lumalaking fanbase ng Arsenal Women. Nakagawa na ang club ng blueprint para sa masaya, malusog, at tuluy-tuloy na lumalaking supporter culture. Ang tanong na lang: handa na ba ang natitirang bahagi ng liga na makahabol?



















