Lahat ng Alam Namin sa Paparating na BTS Documentary
Ire-reveal ng tell-all na pelikula ang lahat—mula sa moments of doubt hanggang sa matibay na brotherhood ng BTS.
Isa sa pinaka-madalas i-stream naK-pop na artist saSpotify noong nakaraang taon, ang globally acclaimed na boy band naBTS ay inanunsyo ang pagbabalik nila sa musika pagpasok ng 2026—at hindi ito basta-bastang comeback. Kilala silang hindi kailanman gumagawa nang pa-easy-easy lang, kaya hindi lang sila nag-anunsyo ng bagongalbum at world tour, kundi pati na rin ng live-streamed concert at isang full-length nadokumentaryo.
Nakatakdang ikuwento ng dokumentaryo ang matagal nang hinihintay na pagbabalik ng pop royalty, na mag-aalok sa fans ng hindi pa nararanasang access at malalim na sulyap sa BTS reunion, habang inaalala ang paglalakbay nilang tunay na nagbago ng buhay. Mula nang mag-debut noong 2013, nakabuo na ang boy band ng sobrang tapat at global na fan base, at matapos nilang kumpletuhin angmandatory military service sa South Korea, muling magsasama-sama ang pitong miyembro saLos Angeles para muling lumikha ng musika.
Matapos ang panahon ng pagkakahiwalay at kanya-kanyang personal na paglago, hinaharap ng mga miyembro ang tanong kung paano muling magsisimula, paano pararangalan ang nakaraan habang sumusulong, at paano sila sabay-sabay uunlad habang milyun-milyon ang nakamasid. Masasaksihan ang mga sandali ng pagdududa, halakhak, at muling pagtuklas habang binubuo nila ang bagong musikang sumasalamin sa kung sino na ang grupo ngayon—na magbubunsod sa inaabangang album.
BTS: THE RETURN ay isang natatanging intimate na pagtanaw sa isa sa pinakamalalaking boy band ngayon, na nagkukuwento ng isang naratibong tanging BTS lang ang makapagsasabi—isang kuwento ng brotherhood at resilience. Ang pelikula ay idinirehe niBao Nguyen at magpe-premiere sa March 27 saNetflix, kaya i-block n’yo na ang petsang ’yan sa inyong calendars. Sa ngayon, puwede mo munangpanoorin ang opisyal na trailer sa YouTube.
Sa iba pang balita,nakapanayam namin si Angèle tungkol sa kanyang pagbabalik sa musika at sa bago niyang track kasama ang Justice.


















