Dua Lipa, bagong Nespresso brand ambassador
Patunay na ang kape ay higit pa sa simpleng pampagising lang.
Reyna ng bakasyon, fashion It-girl at bagong-engaged sa boyfriend niyang pinag-uusapang susunod na Bond,Dua Lipa ay namumuhay talaga sa pinaka-bonggang bersyon ng kanyang buhay. Sa pinakabagong galaw ng bituin, sinasakop naman niya ang mundo ngkape. At siyempre, hindi lang basta kape, kundi ang crème de la crème, sa paglahok niya bilang mukha niNespresso bilang pinakabagong brand ambassador nito.
Higit pa sa mgakantang nangunguna sa charts at matindi niyang presensiya sa entablado, nakapagtatag si Lipa ng sariling puwesto bilang cultural force na humuhubog sa trends sa fashion, beauty at lifestyle. Walang putol ang chemistry nila ng Nespresso, na kilala bilang brand na matagal nang nakaposisyon sa sangandaan ng disenyo, sining at pang-araw-araw na ritwal—lampas na lampas sa mismong mga butil ng kape. Sa huli, ang kape ay higit pa sa simpleng caffeine hit.
Magkasama, ilulunsad nina Lipa at ng brand ang “Vertuo World,” isang global campaign na darating ngayong Abril 14 at nakaabang nang sakupin ang mga screen saanman. Makakasama niya rito ang matagal nang ambassador na si George Clooney, para sa isang hindi inaasahan pero walang dudang swak na crossover moment na pinaghalo ang old-school charm at contemporary cool.
Ibinahagi ni Lipa, “Pakiramdam ko, lumaki akong kasama ang Nespresso. Laging may Nespresso machine sa paligid—sa bahay kasama ang pamilya ko, sa set o sa kuwarto ng hotel—kaya naging sobrang dali ng desisyong makipag-team up sa kanila.”
Kagagaling lang niya sa isang napakabonggang Oscars appearance, at tuluy-tuloy ang unstoppable streak ni Lipa—patunay na kung music, fashion o ngayon nama’y kape, kabisado niya kung paano lumikha ng isang hindi-malilimutang sandali.
Samantala, sa ibang balita,pumapasok si John Galliano sa high-street arena sa isang bagong partnership kasama ang Zara.



















