Haus Labs Patunay Na Puwedeng Maging Transfer-Proof ang Lip Gloss
Ang tapat naming review ng Atomic Shake Lip Lacquer ng brand.
Para bang hindi pa sapat na nakakapagod hanapin ang araw-araw mong go-to lip combo, pakiramdam mo nauuwi sa wala lahat ng pinaghirapan mo sa sandaling magsimula ang araw mo — lalo na kapag lip glossang usapan. Kahit essential na bahagi ng araw-araw kong makeup routine ang mga paborito kong lip product, aaminin ko na hindi ako pinakamahusay pagdating sa retouch sa gitna ng sobrang siksik na schedule. Kadalasan, nauuwi ito sa halos buong araw na bare-lipped ako — hanggang sa makatsamba ako ng oras para mag-reapply sa harap ng salamin.
Kahit na ang mga lip stain at liquid lipstick kayang mag-survive sa ilang snack break, lagi kong iniisip na ang mga lip gloss ay panandalian lang talaga by nature. Pero dahil patok na ngayon ang mga long-wear product sa K-beauty makeup space at maging lampas pa roon, hindi na nakakagulat na ang mga brand tulad ng Haus Labs ay binabago na kung paano natin tinitingnan ang glossy lip. Lalo na ang kaka-relaunch lang na Atomic Shake Lip Lacquer, na nangakong maghahatid ng parehong high shine at transfer-proof na kulay — ibang-iba siya sa kahit anong lip product sa koleksiyon ko.
Ano’ng Dapat Mong Malaman Tungkol sa Atomic Shake Lip Lacquer ng Haus Labs
Best for: Glossy lips na hindi bibitaw hanggang sa matapos ang buong dinner party
Price: $28 USD sa website ng brand
Rating: 9/10
Bakit Lahat Nahuhumaling?
Noong unang nirelease noong 2022, naging cult favorite ang Atomic Shake Lip Lacquer dahil sa high-impact nitong pigment at walang kapantay na staying power. Matapos kulitin nang todo ng beauty fans ang Haus Labs na ibalik ito, opisyal na inanunsyo ng brand ang pagbabalik nito kasama ang walong bagong shade na mula sheer hanggang bold. Bukod sa pangakong high-shine finish nang hanggang walong oras, sinasabi ring nakakatulong ang lip lacquer na panatilihing hydrated ang labi buong araw, salamat sa skin-loving ingredients tulad ng marine algae extract.
How To Use
Tulad ng karamihan sa mga transfer-proof na lip product, nangangailangan ang Atomic Shake Lip Lacquer ng ilang mahalagang hakbang para siguradong tatagal siya buong araw. Gaya ng ipinahihiwatig ng pangalan, hindi puwedeng laktawan ang pag-shake bago i-apply. Sunod, ipahid ito sa nakabukang mga labi at hayaang matuyo nang hindi bababa sa 15 segundo bago mo pagdikitin ang mga labi. Hindi tulad ng mga viral na TikTok lip stain na puwedeng punasan para lumabas ang kulay, pinakamaganda ang performance ng lip lacquer kapag tuluyan na itong natuyo at hinayaan lang sa puwesto.
Dahil may walong versatile shades ang product, walang katapusan ang puwedeng lip combo na malilikha mo. Pero kung nag-e-experiment ka sa iba’t ibang formula, irerekomenda kong gawin mong pinakahuling step sa lip routine mo ang Atomic Shake Lip Lacquer — isipin mo siya bilang top coat ng nail polish na nagsi-seal sa lahat.
An Honest Review
Sanay na ako sa mga kahawig na produkto gaya ng Romand Juicy Lasting Tint na glossy sa umpisa at nagse-set bilang transfer-proof, matte tint, pero wala talagang nakapaghanda sa akin para sa Atomic Shake Lip Lacquer. Aaminin ko, nagkaproblema ako sa watery na formula nito na minsang tumapon sa bag ko at kailangan ko talagang paulit-ulit paalalahanan ang sarili ko na huwag agad pagkiskisin ang mga labi — pero naniniwala ako na sulit sa lahat ng maliliit na abala sa mundo ang hindi matatawarang longevity nito.
Pero kung para sa’yo ay deal-breaker na ang pakiramdam ng medyo malagkit na labi, baka hindi ito ang produktong para sa’yo. Dahil sa transfer-proof nitong katangian, natural na may kaunting stickiness na kasama sa package. Sa kaso ko, nasanay din ako sa sensasyon matapos ilang suot. Higit pa sa buong araw na kapit sa labi ko, sobrang saya niyang paglaruan at naging paborito ko nang finishing touch sa halos kahit anong lip look na maisip ko. Team pinky nude at browny mauve ako pagdating sa labi, at dahil sa bagong shade range, siguradong may babagay sa lahat — whether clean girl ka à la Hailey Bieber o red lip aficionado gaya ni Lady Gaga.
The Final Verdict
Kung kumbinsido kang imposibleng magkaroon ng glossy lip na transfer-proof, kailangan mong subukan ang Atomic Shake Lip Lacquer. Kahit medyo nakakailang ang lagkit nito sa unang subok, mabilis mawawala ang kaba sa sandaling mapansin mong ang tagal mo nang hindi nagre-retouch ng labi. Sa kaunting practice at maraming napkin sakaling may bihirang pagtapon, makukumbinsi ka ng Atomic Shake Lip Lacquer ng Haus Labs na posible talaga ang makeup miracles.



















