Inihayag ng Tommy Hilfiger ang “Freedom” Eau de Parfum, ang una nitong bagong pabango para sa kababaihan sa mahigit 10 taon. Para sa kampanya, gaganap si Camila Cabello bilang pinakabagong Global Ambassador ng brand. Siya ang napili upang katawanin ang parehong optimistiko at kumpiyansang diwang naging bahagi ng identidad ng Tommy Hilfiger mula pa noong dekada ’80. Gumamit naman ang pabango ng malinis na amber—isang kategorya ng halimuyak na ngayon lamang ginamit ng brand.
Si Gordon von Steiner ang nagdirek ng kaakibat na kampanya, kung saan binibigyan ni Cabello ng sarili niyang interpretasyon ang “I Want to Break Free” ng Queen habang suot ang signature red ng brand mula ulo hanggang paa. Hango sa linyang “Make Every Moment Yours,” binibigyang-diin umano ng “Freedom” ang pagiging totoo sa sarili at malayang pagpapahayag ng sarili.
View this post on Instagram
Binuo ng mga perfumer na sina Honorine Blanc at Alexandra Monet ang halimuyak sa mga unang nota ng lychee at mamasa-masang floral, puso ng magnolia blossom, at baseng vanilla blue. Maging ang bote ay humugot ng mga detalye sa mga archive ng Tommy Hilfiger: may mabigat itong salaming base, tatsulok na hugis, at pulang takip na may monogram.
Ang “Freedom” ay nagkakahalaga ng US$99 at mabibili sa website ng brand.
Sa iba pang balita, inilunsad kamakailan ng DedCool ang bago nitong “Mocha Magic” na pabango.