Pinalalawak ng Prada Beauty ang linya nito ng mga pabango na “Paradoxe” sa pamamagitan ng “Paradoxe Sweet Chemistry,” ang unang fruity floral Eau de Parfum ng koleksiyon mula nang ilunsad ito noong 2022. Para sa kampanya, ipinagpapatuloy ng global ambassador na si Zendaya ang pakikipagtuwang niya sa brand—hudyat ng panibagong kabanata para sa pabangong nilikha para sa moderno at masalimuot na babae.
“Sa Prada Paradoxe Sweet Chemistry, nais naming ilantad ang mas emosyonal at sopistikadong uri ng tamis. Para rito, pinaglalaruan ng komposisyon ang mga kontrast—ang magaang at mala-gatas na mga tekstura, linaw ng mga bulaklak, at nakaaaliw na kabilugan—upang lumikha ng kontemporaryong bersiyon ng tamis na itinuturing na emosyon sa halip na tindi,” ayon sa mga master perfumer na sina Nadège Le Garlantezec, Shyamala Maisondieu, at Antoine Maisondieu sa isang pahayag para sa media.
View this post on Instagram
Nagsisimula ang pabango sa akordeng blackcurrant syrup, sumusulong sa orange blossom absolute sa gitna, at nagtatapos sa akordeng neroli milk para sa malambot na huling impresyon. Samantala, taglay pa rin ng bote ang tatsulok na motif na tatak ng brand, na ngayo’y kulay lila. Gaya ng iba pang pabango sa koleksiyong “Paradoxe,” refillable din ang bagong halimuyak upang mabawasan ang basura.
May presyong US$150 ang “Paradoxe Sweet Chemistry” at mabibili sa website ng brand.
Sa iba pang balita, nagpalit ng katawan sina Cardi B at Huda Kattan sa bagong kampanya ng Huda Beauty.



