Lahat ng Alam Namin sa Bagong Album ni Charli XCX na ‘Wuthering Heights’
Walang shades o sigarilyo sa eksenang ’to.
Kasunod ng global na tagumpay ng BRAT, inanunsyo na ni Charli XCX ang matagal nang inaabangang susunod niyang album, Wuthering Heights, isang original soundtrack para sa nalalapit na film adaptation ni Emerald Fennell ng nobela ni Charlotte Brönte na may parehong titulo, na ilalabas sa Pebrero 13, 2026.
Kaka-release lang ng singer ng pangalawang single mula sa album, ang “Chains of Love,” na sumunod sa debut single ng record na “House,” na inilabas noong nakaraang linggo at tampok si John Cale ng The Velvet Underground. Nakatago pa ang buong tracklist, pero kamakailan lang ay naglunsad ang singer ng sarili niyang Substack account, kung saan nag-post siya para palawakin ang kuwento tungkol sa creative process sa likod ng Wuthering Heights. Para sa dagdag na insider na pananaw, ibinahagi ng musician na una lang siyang hiniling ni Fennell na gumawa ng isang kanta para sa pelikula, bago iminungkahi ni Charli ang mas malaki at mas ambisyosong proyekto. “Gusto kong sumisid sa isang persona, sa isang mundong pakiramdam ko ay lubos na totoo, ligaw, sexual, gothic, British, bugbog sa emosyon at punô ng totoong mga pangungusap, wastong bantas at grammar. Walang yosi o shades kahit saan, lubos itong naiiba sa buhay na ginagalawan ko noon.” Ito na ba ang Charli na hindi pa natin nakikita kailanman?
Tingnan ang post na ito sa Instagram
Ang album ay isinulat at prinoduce mismo ni Charli, pangunahin kasama si Finn Keane (AKA Easyfun). Abangan ang susunod pang mga update.
Samantala, alamin ang lahat ng nalalaman na natin so far tungkol sa 2026 Met Gala.















