Nude Project, kaka-release lang ng kanilang ikatlong collab with Playboy
Kasama rito ang branded na chess set, mga Playboy bunny teddy bear at marami pang iba.
Matapos ang dalawang sobrang matagumpay na collaboration, ang Spanish lifestyle label naNude Project ay muling nakipag-team up saPlayboy para sa ikatlong beses. Kasunod ng “Heroes of Pleasure”noong 2023 at ng “Playboy Part II,” na inilunsadmakalipas ang isang taon, balik-aksyon ang dalawa sa “The Gift of Playboy,” na dumarating eksakto para sa holiday season.
Binibigyan ng panibagong buhay ang kakaibang visual language ng Playboy na may seasonal twist, ang bagong koleksyon ay nag-aalok ng samu’t saring ski-inspired silhouettes tulad ng graphic jumpers at logo knitwear, na ipinapareha sa formal looks, mapaglarong outerwear at accessories. Mga standout piece ang fur-trimmed Gold Playboy Jacket, ang chic na Naomi Playboy Dress at ang Bunny Logo Knit Hoodie.
Sa iba pang bahagi ng lineup, kumpleto ang koleksyon sa furry gloves, lacy underwear at nightwear, kasama ang nakakatuwang trinkets gaya ng actual Playboy Bunny teddy bears, alahas at boxers. Bumabalik din nang bongga ang homeware ngayong taon, sa pamamagitan ng mga item tulad ng Playboy pipe, puzzle, chess set at set ng pins na parang ginawa para maging ultimate Christmas gifts.
Silipin ang bagong koleksyon sa itaas at tumungo sawebsite ng brand para ma-shop ang unang drop.
Sa iba pang campaign news, i-check out ang Iris Law para sa Casablanca.

















