Ang Pre-SS26 Campaign ng Ottolinger ay Parang Pagpupugay sa mga Nakatatandang Ate
Sumasalo sa grounded at diretso lang na coolness na ‘pang-ate’.
Ang mga nakatatandang ate ang klaseng presence na kapag wala ka, gusto mong magkaroon, at kapag meron ka naman, hindi mo agad nare-realize kung gaano ka kaswerte.Berlin-based Ottolinger Pre Spring/Summer 2026 campaignay umiikot kay Heidi, ang older sister figure na nasa puso ng season.
Grounded, may lalim ng karanasan at diretso (o ‘yan ang dating niya sa paningin ng mundo), ang older sister ay ‘yung tipong sapat na ang pinagdaanan para maging prangka at hindi na naaabala ng mga mababaw na bagay. Dito nakatuon ang campaign ng Ottolinger, gamit ang malinaw at close-up na approach na walang kung anu-anong framing para siya at ang mga damit ang tunay na bida.
Kinunan ni Heji Shin at ni-style ni Peri Rosenweig, nananatiling nakatutok ang campaign sa construction, mga cut at materyales na sumasalamin sa parehong diretso at walang paligoy na pananaw ng pangunahing karakter. Sharp na cap sleeves, asymmetric na linya at no-fuss na attitude—isinasakatihan ng campaign na ito ang mismong pakiramdam ng pag-look up sa isang older sister na siguradong mas cool kaysa sa’yo.
Silipin ang mga larawan sa itaas at i-share ang mga ito sa older sister sa buhay mo, kapamilya man o hindi; lahat tayo, meron niyan. Tumungo sa Ottolinger website para sa iba pang balita mula sa brand.
Sa ibang balita, i-check out ang sleek na collaboration mula sa Hypebeast at Ray-Ban.
















